Monday, July 03, 2006

NBI-SSS-Fastfood Incidents

Naiirita ako. Naiinis ako. Nabibwisit ako.

Sa tuwing nakapila ako, eh diba umuusad na, ung nasa likod ko, parang atat na atat na mauna, kaya ung katawan nya, o kahit anong parte ng katawan/gamit nya ay tatama sa mga parte ng katawan ko.

YUN ang PINAKAAYAW ko.

Minsan dadagdag pa yung leeg nya na di mapakali, daig pa ang kapitabahay naming uhaw sa tsismis. Di mapakali dahil gusto nya malaman kung ano ang "happening" sa may unahan. Sabay nyang ginagawa yun. Pagbangga sa katawan ko at pagkapakali ng leeg nya.

Ang ginagawa ko, lilingon ako sa likod at bibigyan ko cya ng isang matalim at nakakasugat na irap. Pero nde pa rin niya magegets.

Alam ko ako rin, walang pasensya sa pagpila. Kung alam kong mahaba at aabutin ako ng higit sa trenta minuto, eh nde na lang ako pipila, dahil maiinis lng ako.

Pero kung nakita mong mahaba na yun pila, diba dapat alam mo na na matatagalan ka? Diba dapat tiisin mo na ang pagtayo mo dun? Eh ano pang inuurong urong mo? Ano pang inihahaba ng leeg mo? Ha? Ha? Ha?

Argh.

2 comments:

Anonymous said...

hahaha. kung ako sayo, hindi lang matalim at nakakasugat na irap ang mapapala nya, may kasama rin obvious na pagbangga (o ganti? hehe) sa kanya.

sometimes, it's fun being a biatch.:p

Mabel Garcia said...

nde ko binabannga, what i do is i deliberately don't step forward. para mainis cya dahil nde gumagalaw ang pila! HAHAHA! the b*tchin continues! ;p