- Laging nasa oras, o kaya mas maaga pa. Kainis. Namimiss ko ng pagpawisan ng malamig sa kakalakad ng mabilis at kabahan dahil alam kong mababawasan nanaman sweldo ko pag late nanaman ako.
- Kamustahan. Pagkatapos kang batiin ay parating may kasunod na How Are You?
- Small talk. Kadalasang kadugtong ng How Are You? Pwede itong tungkol sa weather, gas price, anong sinasakyan mo pauwi, at kung ano ang ginawa mo nung weekend.
- Matining na boses. Islang. At mas matining pa na boses.
- Dilaan ang daliri kung maglilipat ng pahina ng papel, o kaya magbubukas ng plastic bag – na sa tingin ko ay isang bagay na sobrang nakakadiri.
- Magpabutas. Sa mga parte ng katawan na nde mo akalaing pwede pa lang butasan/butasin.
- Magulong buhok. Magulo pero maayos. (ang gulo!)
- Mataas na buhok. Oo. Mataas. Basta ung hinde FLAT.
- Malaking serving ng pagkain. Oo alam kong malakas ako kumain, pero kahit matakaw ako eh kalahati lang ang nauubos ko.
- Mahabang pila sa labas ng bar. Napagtanto ko na may dahilan ito. Una, kelangan nila ng ID. Pangalawa, magbabayad ka ng entrance. Pangatlo, icheck-in mo pa ung coat mo. O diba, matatagalan pala talaga ang pagpasok mo. Kala ko arte lang kagaya sa...YSSABME.
- Magdress up pag Halloween. As in. Career. Pero nakakatuwa naman sila.
- Hockey. Dito makikipagpatayan sila. Seryoso.
- Mahigpit na road rules. Akalain mong may speed limit pala na nagexist? Totoo pala yun.
- Panget na mall at mahal na damit. Sobrang miss ko na ang SM, Greenbelt, Greenhills, Trinoma, Shang, Rob Place, at 168.
- Matatangkad na tao. Mga higante. Bwiset.
Monday, November 10, 2008
USO Dito Ang...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment